Maja will miss Lily and Ivy on ‘Wildflower’ » Manila Bulletin Entertainment

Manila Bulletin Philippines

Breaking News from the Nation's leading newspaper

Tempo

Online Newspaper

Showbiz and Celebrity News

Sports News

World News
News Asia

Maja will miss Lily and Ivy on ‘Wildflower’

By:

Published

With the strong impact her characters Ivy Aguas and Lily Cruz have made on “Wildflower,” Maja Salvador will have a hard time shaking them off her system after the series ends on Friday.

Maja Salvador with Joseph Marco,RK Batasing and Vin Abrenica (mb.com.ph)

Maja Salvador with Joseph Marco,RK Batasing and Vin Abrenica

“Hindi ko alam kung paano ko siya male-let go. Hindi ko alam kung paano ko siya aalisin. Forever siyang nandoon dahil iba ‘yung ginawa niya sa sarili ko at sa career ko at sa trabaho ko,” Maja admitted.

She compared their personalities.

“Iba po ang katapangan ni Ivy Aguas at iba rin ang nilaban ni Lily Cruz. Parang may kanya-kanyang moment po sila. Ang pinaka-biggest moment ni Ivy Aguas is wearing a black wedding gown. Si Lily Cruz naman, noong naka-gold siya at sinabi niyang indestructible siya.

“Para sa akin po, hindi na ako doon sa kung sino ang mas minahal o mas sumikat sa kanilang dalawa. Nandoon ako sa masaya ako na minahal at sinuportahan nila si Ivy at sumasabay sila sa paglaban ni Lily Cruz naman.”

Remember the scene during which Maja donned the gothic wedding gown? That trended on Twitter.

And now, finally, Maja reveals the reason the character wore it.

“Kasi ‘yung kay Ivy Aguas na black wedding gown, kaya talaga naging black ‘yung wedding gown niya ay dahil nagluluksa pa rin siya sa pagkawala ng nanay Carlota niya. Nag-usap ang creative, stylists at ako po na maganda nga kung black gown kasi nagluluksa ka pa until now.

“Bilang sabi nga ni direk Ruel S. Bayani, iba na po ngayon. Ang dami ng pagbabago. Parang hindi na tulad ng dati na kung ano ang nakasanayan ay ‘yun lang. Ngayon, kung anong makita like ‘yang black gown, parang wala na ‘yung dating (notion) na kapag kasal dapat naka-white ka lang. Ngayon, kung ano ang gusto mong isuot ay libre mo nang masusuot basta nandoon ‘yung freedom kung ano ‘yung gusto mong isuot sa pinakaespesyal na araw mo. Basta ang importante ay may love sa wedding ninyo.”

Her soap characters may have exacted revenge on the series but Maja will never do that in real life as “naniniwala kasi ako na babalik din sa ‘yo kung naging masama ka sa ibang tao.”

“So kung may nagawa akong kasalanan ay magso-sorry ako. Kung may nagawa silang kasalanan sa akin aantayin ko ‘yung araw na makakapag-sorry sila sa akin. Pero walang revenge-revenge kasi babalik din talaga sa ‘yo.”

She cited Lily Cruz as a perfect example.

“Laban siya nang laban kaya ang daming nawawala sa kanya. Lalaban ka pero minsan alam mong huminto na dapat lalo na kapag marami nang nawawala sa ‘yo, kung marami ka nang nasasaktan. Si Maja, si Ivy at si Lily, malayong-malayo sa kung paano sila magre-revenge sa mga naiinggit sa kanila.”

Thanks, tito

Maja credits co-star Tirso Cruz III for being an inspiration while doing the soap.

“Malaking parte lahat ng pagga-guide niya sa akin. Si tito Pip makikita ninyo siya na minsan mapagbiro or kung anuman. Makikita n’yo na laging tumatawa pero kapag nagbigay siya ng advice, sisiguraduhin niyang maaalala mo. And for 15 years ay pinanghawakan ko ‘yung sinabi niya sa akin. And I think nag-work naman kahit paano,” she said.

Oh, and what was that?

“Si tito Pip ang isa sa mga nag-guide sa akin kung ano ang tatanggapin kong mga characters. Never kong kinalimutan ‘yon kaya po siguro pa-15 years na ako sa industry dahil sinabi sa akin ni tito Pip. ‘Lagi mo lang tatandaan, artista ka pero dapat hindi lang isa ang ibibigay mo. Isipin mo na isa kang product. Di ba bawa’t product may package ‘yan, nag-iiba ng itsura, may ibang offers.’

“‘Yun ang sinabi niya sa akin. ‘‘Yun ang lagi mong isipin, na isa kang product. Paano mo ibebenta ang sarili mo. Paano ka nila kukunin uli.’ Lagi ko ‘yung tinandaan kaya I’m very happy.

“Bakit po nakilala si Ivy Aguas or si Lily Cruz? Isa ’yun sa malaking tulong ni tito Pip. Hindi ‘yon etchos. Isa po siya sa talagang mabait sa akin sa industriyang ito. Isa siya sa mga taong gustong maging successful ako.”

Breather

After “Wildflower,” Maja will take a short break and focus on her singing.

“Balik muna ako bilang maging performer naman. May pa-concert po ako na ‘Maja On Stage.’ May single din akong ilo-launch sa second week of February. Magto-tour po ako. May pelikula din po akong gagawin pero light naman.

“‘Yung US tour naman namin, may mga ilang araw naming mababakante so iyon na po ‘yon. Ang mahirap po kapag nasa teleserye ka ay wala ka nang buhay sa labas ng set. Instead na lumabas ka ay magpapahinga ka na lang kasi kailangan mong i-prepare ang sarili mo the following day para sa malalaking eksena.”

Tags: , , , , , , ,

Related Posts