Catching up with the ‘Voices’ » Manila Bulletin Entertainment

Manila Bulletin Philippines

Breaking News from the Nation's leading newspaper

Tempo

Online Newspaper

Showbiz and Celebrity News

Sports News

World News
News Asia

Catching up with the ‘Voices’

By: and

Updated

EXCLUSIVE:

It’s been a year since the first season of “The Voice Teens Philippines” aired, and you probably couldn’t help but wonder what happened to the contestants. Where are they now?

(From Left): John Mc Earl “Mikko” Caballero Estrada, Angel Chloe M. Redondo, Fatima louise D. Lagueras, and Archie Llanes Aguilar ((Photo by Ali Vicoy/Manila Bulletin) /mb.com.ph

(From Left): John Mc Earl “Mikko” Caballero Estrada, Angel Chloe M. Redondo, Fatima Louise D. Lagueras, and Archie Llanes Aguilar ((Photo by Ali Vicoy/Manila Bulletin)

In response, Bulletin Entertainment caught up recently with four of them, namely Archie Llanes Aguilar, Fatima Louise D. Lagueras, Angel Chloe M. Redondo, John Mc Earl “Mikko” Caballero Estrada – all under Sarah Geronimo’s team.

Here’s an excerpt from our exclusive interview with them:

Do you keep in touch with Coach Sarah Geronimo? How do you remember her as coach?

Angel: “Sa ngayon po, wala eh. Palagi ko po naaalala si Coach Sarah sa mga singing tips niya kasi sobrang napaka-helpful po nito. Para po sa akin, ang pinaka-magandang advice po niya sa akin is ’yung lagyan ng puso ’yung bawat song na kakantahin ko.”

Mikko: “Last po namin siyang nakita nu’ng nag-‘ASAP’ kami. Alam ko busy din po siya dahil kakagaling niya lang sa US tour niya. About naman po du’n sa pagiging coach niya, sobrang galing niya po magturo at hindi po siya ganu’n ka-strict.”

Archie: “Ako rin po walang communication sa kanya. ’Yun nga po kasi busy siya. Looking back po, sa totoo lang po hindi ako nahirapang kumonek kay Coach Sarah kasi nu’ng nagkwento po ako sa kanya, nu’ng nag one-on-one interview po ako sa kanya, medyo naka-relate po siya sa story ng family ko. So nag-iyakan kami.”

Fatima: “Wala rin po ako. Pero ako pinili ko si Coach Sarah kasi total performer po siya and nag si-sing and dance din po siya and ’yun po ’yung ginagawa ko. And idol ko rin po siya kaya siya ’yung pinili ko. Sobra din po akong na-i-inspire sa kanya.”

How did ‘The Voice’ change your life?

Angel: “Sobrang laki po ng pinagbago simula ng sumali ako sa ‘The Voice.’ Mas naging conscious na po ako sa sarili ko, sa pag-aayos. Kasi po dati burara ako, lumalabas lang ako ng naka sando. Ngayon po hindi pwedeng ganu’n, kailangan po laging maayos ang pananamit. Tapos siyempre dahil po sa competition, dumami rin po ’yung followers ko.”

Mikko: “Ganu’n din po ’yung kahit simpleng pagmo-mall lang po kailangan maayos po palagi ’yung itsura namin kasi minsan po may mga nag-pa-picture.”

Archie: “Para sa akin po siyempre pagkatapos ng ‘The Voice,’ ’yun nga natanggal ako. Medyo nalungkot talaga ako kasi sabi ko wala na ako sa ‘The Voice’ ano na ang sunod kong gagawin kasi naka-base na ’yun sa akin kung ano po talaga ang gagawin ko. Nagkaroon ako ng shows after, nakakatulong po siya sa family ko kasi po talagang wala po talaga kami.”

Sarah Geronimo (mb.com.ph)

Sarah Geronimo

Fatima: “Ako naman po nakatulong ’yung pagsali ko sa ‘The Voice’ sa personal life ko kasi mas na-improve ’yung, of course, ’yung singing po and ’yung confidence ko. And ako po kasi mahiyain po talaga ako and sobrang tahimik po ako. Kaya nu’ng sumali po ako parang naturuan ako kung paano ako makipag-communicate sa ibang tao. Kung paano maging better singer.”

How do you feel about being a celebrity?

Angel: “Masaya po na nakaka-overwhelm.”

Mikko: “Sobrang nakaka-enjoy po lalo na kapag may mga tour kami. Nakakapunta kami sa iba’t-ibang lugar, madami po kaming nami-meet na ibang tao. Siyempre kahit papano nakakatulong na rin po kami sa parents namin.”

Archie: “Nakakatuwa din po kasi grabe po talaga ’yung effort ng mga fans. Kasi kung ako ’yun, kung iba-base ko ’yung sarili ko sa kanila, parang hindi ko siguro kaya ’yun na minsan kunyari magsho-show kami sa malayo tapos malayo pa ’yung panggagalingan nila pupunta sila du’n para lang mapanuod kami. Ako para sa akin parang hindi ko kaya ’yun sa mga hinahangaan ko. Inaantay ko na lang sila na pumunta sa lugar namin para mapanuod ko pero sila talaga, ’yung iba, nag e-effort po talaga silang pumunta kahit malayo.”

Fatima: “’Di po ako makapaniwala kasi parang dati wala naman pong ganu’n. Tapos bigla na lang nagkaroon. Tapos parang ang hirap lang paniwalaan na, kahit hanggang ngayon po, andiyan pa rin sila para suportahan kami.”

How important is singing is for you?

Angel: “Ang pagkanta po kasi passion ko naman po yan ever since. Sa pagkanta po du’n ako sumasaya, du’n po natatanggal ang stress ko kaya sobrang importante po nito sa akin. Eto po ’yung outlet ko sa buhay eh.”

Mikko: “Para sa akin po, sobra din pong mahalaga ito kasi ’yung pagkanta ko po, nakakatulong po siya na mag-inspire ng mga tao. Tapos marami din po akong natututunang experience every time na nagpe-perform ako. Ang mahalaga naman po kasi sa akin is ’yung experience na madadala ko sa pagtanda ko.”

Archie: “Opo kasi parang ’yun na po talaga ’yung umahon sa pamilya at patuloy pa.”

Fatima: “Opo, kasi ’yun po talaga ang gusto ko.”

You have your fair share of bashers. How do you handle them?

Angel: “Ako po kasi hindi ko na lang ini-entertain ang mga bashers. Naalala ko po nu’n after ‘Blinds Auditions’ ko, may nag-send lang po sa akin, ang sabi daw po ng bashers, sigaw lang daw po ako ng sigaw. Medyo na-hurt po ako. Pero ginawa ko na lang pong motivation ’yun, kumbaga mas binigyan ko po ng effort ’yung pagkanta ko ng high notes para hindi na po nila ako i-bash.”

Mikko: “Ako naman po may nagsabi sa akin na ’pang-videoke’ lang daw po ako. Masakit po minsan pero gusto ko na lang pong patunayan sa kanila na nagkakamali po sila sa mga sinasabi nila.”

Archie: “Hindi ko na lang po papansinin kasi ’pag nagpaapekto ka po du’n madadamay pati ’yung pagkanta mo.”

Fatima: “Totoo po kaya ’wag na lang pansinin. Deadma, tawanan na lang po.”

It’s back to school again. How will you balance school and showbiz works?

Angel: “Turning Grade 11 po ako sa Calamba. Sa totoo lang po medyo mahirap balansehin ’yung showbiz and school kasi nagkakaroon po kami ng absence. Affected din po ’yung grades namin. Pero gusto po namin parehas kaya kailangan kayanin po kahit mahirap.”

Mikko: “Honor student po ako sa Antipolo. Ang mahirap lang po dito is ’yung mga projects kailangang ihabol lalo na kapag may gigs po kami. Pero naniniwala naman po ako na kapag gusto, maraming paraan. So maraming paraan po para mabalanse namin ’yung pagkanta at pag-aaral.”

Archie: “Regular schooling din po sa Tandang Sora sa Quezon City, sa Romarinda International School. Grade 7 to Grade 9 honor student po talaga ako, talagang nag-aaral po ako tapos nu’ng sumali nga po ako ng ‘The Voice’ medyo nawala ’yung focus ko. Kahit gustuhin ko man pero talagang ’yung puso ko dinadala ako sa singing career.”

Fatima: “Siguro po ’pag ka iba-balance ’yung study and singing, medyo nahihirapan po talaga kami sa ganun. Regular schooling po ako Saint Paul University, Quezon City. Actually before nu’ng mag ‘The Voice,’ lahat po ng gawain sa school nagagawa ko pero after po, marami na po akong nami-miss na requirements. Pero siyempre kailangan ko po kayanin.”

What course would you like to take in college?

Angel: “Architecture po.”

Mikko: “Actually hindi pa po ako sure between sa pagpa-pilot or accountant po.”

Archie: “Ako business talaga ako pero sabi ng Mom ko mag-engineer daw ako.”

Fatima: “Ang course ko rin dapat po Business and Management pero parang nagka interest po ako sa music prod.”

Would you like to try acting in the future?

Angel: “Okay lang naman po.”

Mikko: “Ako nag-acting na po ako before ‘The Voice.’ Nag-lead role po ako sa isang indie film na ang title po ay ‘Hiwaga.’ Kung may dumating pa po ulit opportunity, bakit hindi po ’di ba? After all, gusto ko naman po talaga magtuloy-tuloy dito sa showbiz.”

Archie: “Ako po sana ‘pag may opportunity.”

Fatima: “Gusto ko po mag-acting kasi never pa po ako nagkaroon ng acting workshop pero gusto ko po ma-try.”

What are your future plans career-wise?

Angel: “Basta ako po tuloy-tuloy lang po ako sa pagkanta. Kung saan po maimbitahan, duon po ako.”

Mikko: “Right now, wala pa po kaming recording company so baka in the future po magkaroon. Nag-aantay lang po kami ng tamang opportunity.”

Archie: “Basta tuloy-tuloy lang po. Naniniwala naman po ako na great things will come to those who wait.”

Fatima: “Kung ano po ’yung ibigay ni Lord, tatanggapin ko. Bata pa naman po kami so feeling ko hindi naman po namin kailangan magmadali. Dadating din po ’yung magagandang opportunities in time.”

Since we will celebrate Father’s Day this month, can you tell us about your relationship with him? How does he influence you in your personal and career objectives? What’s your message to him?

Angel: “Si Daddy po ’yung number one motivator ko. Siya po ’yung nag-aangat sa akin every time na nada-down ako. Sa totoo lang po strikto siya pero kapag natatalo ako sa mga amateur singing contest na sinasalihan ko, gagawa po siya ng paraan para lang hindi ako malungkot.

“Siya din po ’yung coach ko sa pagkanta. At kung may isang kanta po ako iaalay sa kanya ay ’yung ‘Always You’ ni Charice (Jake Zyrus).”

Mikko: “Si Daddy po ’yung palaging nagmo-motivate sa akin. Perfectionist po siya kaya palagi niyang tinuturo ’yung mga dapat kong gawin. Nakakatuwa nga rin po kasi mahilig din siyang mag-direct. Gustong-gusto ko po ’yung attitude niya na matapang, ’yung hindi po umaatras sa lahat ng laban sa buhay.

“Siguro po kung may isang kanta na iaalay sa kanya, eh ’yung ‘Dahil Sa’Yo’ po ni Iñigo Pascual, kasi dahil po sa kanya patuloy ako sa pag-abot ng aking mga pangarap.”

Archie: “Ako naman po kasi hiwalay na ’yung parents ko. Lagi ko pong kasama ’yung Mommy ko. ’Yung Papa ko naman kapag nasa ‘The Voice’ na, tatawag siya sa akin na ‘Oh kumusta ka naman ’nak?’ Parang magkukumustahan lang po. Andun pa rin po ’yung support.

“Sobrang halaga po ng Papa ko kasi kung wala po siya hindi ko po alam kung ipu-pursue ko pa ’yung mga pangarap ko kasi minsan siya rin ’yung nagpu-push kung ano ’yung gusto ko, kung ano ’yung makakapagpasaya sa akin. Basta lagi niyang sinasabi sa akin ’wag lang ako. Wala lang dapat akong tinatapakang ibang tao.

“Gusto kong magpasalamat kay Papa sa patuloy na pag-support sa akin kahit malayo siya, sa pagpapaalala sa akin na andiyan lang siya palagi para magsuporta. Tapos gusto kong sabihin na mahal na mahal ko ’yung Tatay ko. Kami po ni Papa hindi rin po kami masyado close pero ’pag nasa kanya naman po close naman po. Alam kong marami siyang pagkukulang pero alam ko naman po na mahal niya ako.”

Fatima: “Si Daddy, siya po ’yung palaging nandu’n nu’ng nasa ‘The Voice’ ako tapos palagi niya po akong gina-guide. Siya po ’yung palaging nagbibigay ng advice sa akin ng gagawin. Kung anong mas makakabuti sa pagkanta ko. Sobrang halaga po sa akin ni Daddy kasi kung wala siya wala din po ako sa place ko ngayon kasi siya po ’yung naggu-guide sa akin lalo na sa pagkanta. Singer din po kasi si Daddy tsaka si Mommy din po. Jamming po kami.

“Gusto kong mag-thank you kay daddy kasi palagi siyang nandiyan para sa akin and kahit minsan hindi rin kami in good terms. Close po kami pero hindi po masyado na super clingy.”

Tags: , , , , , , , , ,

Related Posts