Coco Martin explains his work ethic » Manila Bulletin Entertainment

Manila Bulletin Philippines

Breaking News from the Nation's leading newspaper

Tempo

Online Newspaper

Showbiz and Celebrity News

Sports News

World News
News Asia

Coco Martin explains his work ethic

By:

Updated

A stickler for discipline, Coco Martin demands punctuality from his co-workers whenever he’s shooting a movie or taping his TV series “FPJ’s Ang Probinsyano.”

“Kahit late ka ng five minutes, magpe-penalty ka. Pakakainin mo ang buong (tao sa) set. Kapag hindi ka naka-black na medyas, pakakainin mo ang buong set,” he said at the mediacon for his Metro Manila Film Festival (MMFF) entry “3Pol Trobol: Huli Ka Balbon.”

Coco Martin and Ai Ai delas Alas

Coco Martin and Ai Ai delas Alas

“Kumbaga, ngayon pa lang ay turuan ko na sila ng tamang attitude sa trabaho.”

He doesn’t like diva attitude at work and that rule certainly covers himself.

“Hindi tayo nagpapasikatan dito. Kapag nandito na kayo, magtatrabaho na tayo.”

But why does he start the day so early, at least by showbiz standards?

“Kung bakit ako maaga sa set, kung bakit gusto ko on time kasi po naniniwala ako…gusto kong makauwi nang maaga kasi dahil artista din ako, gusto kong makauwi nang maaga para may time pa ako sa family ko. At kung mayroon trabaho bukas ay mayroon pa rin akong lakas para sumegue.

“Kaya ina-achieve ko na agahan natin, bilisan natin, mag-focus tayo para matapos nang maaga para lahat masaya hindi lang mga artista kun’di mga staff na rin.”

Co-star Ai Ai delas Alas vouches for Coco’s discipline.

“Kapag sinabi niya na 5 o’clock on the set, 5 nando’n kami. Ako masaya ako as artista kasi siyempre sa dami na nagawa kong pelikula, kasi kapag sinabi niyang 5 o’clock ay nandoon na kami, magme-make-up lang kami tapos game na agad.”

She shared that this is not observed by some film producers as “usually, kapag 5 o’clock, etchos lang ’yun. Mga 7 a.m. , 9 — minsan nga hapon na — nandoon kami pero nakatengga pa rin kami.”

‘Me’ time

A busy guy, Coco rarely has time for relaxation. Whenever possible, he spends down time with family and some of his friends.

“Kapag pagod na pagod na ako ay mag-i-stay lang ako sa bahay. ’Yun ’yung time ko para mag-bonding sa family ko, sa lola ko.

“Kapag naging dalawa ang araw na bakasyon ko, pumupunta ako doon sa dati kong tinitirhan sa Novaliches. Pinupuntahan ko doon ’yung mga kabarkada ko. Napakasimple, minsan tumatambay lang, umiinom, ganoon lang.  Kasi ayokong umalis sa nakagawian ko, eh.”

Not rank conscious

For Coco, competing for  MMFF box-office supremacy is not a priority.

“Honestly, wala akong issue kung sino ang number one, sino ang number two,” he mused.

“’Di ba parang iisipin mo pa ba ’yun sa dami ng ano. Siguro naman, dapat kinakabahan ako ngayon.  Ngayon excited ako, kapag alam mong maganda ang produkto mo, excited ka i-announce sa maga tao at confident ka sa offer mo.”

For so long as moviegoers are happy to see his film, then Coco is fine with that.

“Kung ako ang tatanungin, sige na, okay na, kahit na anong number pa kami. Basta ang importante ay alam ko na pagkatapos nitong filmfest, alam ko proud ako sa ginawa ko lalo na na ako ang nagdirek at ako nagsulat, ako ang nag-produce at alam kong hindi ako napahiya sa mga co-actors ko kasi artista din ako, eh.

“Alam ko pag pangit ang pelikulang ginawa ko. Parang  ang lungkot after at hindi ka nila gustong makatrabaho…”

More than entertaining his audience, he does not want them to feel shortchanged.

“Sa hirap ng buhay na dinadaan ngayon, sulitin po natin ang ibabayad. Siguraduhin natin na lalabas sila sa sinehan na masaya sila.

“Minsan  ang ibang mga Pilipino, isang bes na lang manood ng pelikula sa isang taon dahil sa mahal – magko-commute ka, papamasahe, kakain kayo, magbabayad ka. Napakasuwerte na lang ng pamilya mo  para makapanood.  Pero dapat ngayong Pasko  at nakagawian na natin ’yun, sulitin na natin ang ibabayad nila.”

New combination

In the movie, Coco works with Ai Ai, Jennylyn Mercado and their common denominator is having their own monikers.

“Ako, honestly, ’yung title ni mommy Ai, Concert Comedy Queen, ’yun ’yun dahilan kung bakit ko naisip ang proyekto. Nu’ng naisip ko ’yung project ay ang inisip ko muna ang artista. Sino pa kaya ang hindi ko nakakatrabaho? Kasi mahilig ako sa combination, eh.

“Katulad ni’yan, magkaibang network kami, from ABS-CBN to GMA-7, siyempre kung manonood sila, ’yung hindi pa nila nakikita o napapanood. Kaya noong in-approach ko si Mommy Ai, ako ang nag-present ng kuwento.  Mayroon akong konsepto tungkol sa isang mag-nanay.

“Siyempre, iba rin kapag nakasama mo ang princess ng GMA  (Jennylyn) na isa sa pinakamaganda at pinakamagaling na artista. Kaya nu’ng nilapitan ko si Jen — kasi nakatrabaho ko na siya dati — kumbaga, kilalang-kilala ko na siya.

“Aminin na natin, in terms of business ay kailangan ko sila kaya ako ang lumapit sa kanila para humingi ng tulong para buoin ang pelikulang ito. At talagang inaral namin ang bawat character, kung sino ang ilalagay namin dito.”

He is also grateful to Sam Milby for accepting a villain role in the movie.

“Kung mapapansin n’yo nga, sobra kong tinatanaw ng utang na loob na pumayag si Sam para makasama naming sa pelikulang ito.

“Sa guwapo kasi ni Sam, nagdalawang-isip talaga ako.  Na-surprise ako nu’ng in-approach namin ang management niya, hindi kami nagdalawang-balik para tanggapin niya ang project.”

Tags: , , ,

Related Posts